How to Deposit/Add Money through the EON App
Mag-deposito ng pera sa iyong EON account. Sundin ang mga sumusunod na steps:
1
Mag-log in sa iyong EON account
Piliin ang "Add Money" icon sa "Products and Services" menu.
2
Piliin ang Add Money partner na iyong puponduhan
Paki-type ang iyong card number at mobile number, at pindutin ang "Continue".
3
Click "Continue"
Sundin lamang ang instructions at kumpirmahin ang transaction para makapag-deposito ka.
Mag-load ng iyong EON card sa ating Add Money Partners
7-Eleven
Mag-load ng iyong EON card sa 7-Eleven:
- Pumunta sa pinakamalapit na 7-Eleven branch at hanapin ang CLiQQ kiosk.
- Sa kiosk, pindutin ang "E-Money"; Hanapin at piliin ang "EON".
- Ibigay ang iyong Reference Number. Hintayin ang printed na resibo.
- Pumunta sa cashier, ipakita ang resibo at ibigay ang iyong cash. Tandaan: may Php 10 transaction fee ang Php 500 na cash in.
- Pagkatapos nito'y, papasok na sa iyong account ang deposito mo. Then, you're done!
Paalala: Siguraduhing makakapagdeposito ng cash sa 7-Eleven branch sa araw kung kailan natanggap mo ang iyong Reference Number para maiwasang mag-expire ito.
UnionBank
Maari ka ring mag-load ng iyong EON card sa UnionBank:
- Pumunta sa pinakamalapit na UnionBank branch.
- Kumuha at fill-out ang Bills Payment Slip.
- Ibigay ang Bills Payment Slip kasama ang iyong cash sa teller (Tandaan: may Php 10 transaction fee kung ang account mo ay EON Starter, EON Lite, EON Plus, o EON Pro; Free kung EON Cyber account).
- Hintayin ang iyong resibo. That's it! Pagkatapos nito'y, papasok na sa iyong account ang deposito mo.
How to Load Another EON Card
Mag-load ng pera sa ibang EON card. Sundin ang mga sumusunod na steps:
1
Mag-log in sa iyong EON account
Piliin ang "Add Money" icon sa "Products and Services" menu.
2
Piliin ang Add Money partner kung saan mag-pupondo
Paki-type ang card number at mobile number, at pindutin ang "Continue".
3
Ilagay ang OTP at hintayin ang iyong reference number
Hintayin ang text message na magbibigay ng iyong reference number. Itabi ito para gamitin sa pag-cash-in/deposito ng cash sa 7-Eleven CLiQQ kiosk.
Where to Cash In with EON?
Hanapin sa aming Cash-in locator kung saan ang pinakamalapit na branch para mag-Cash-in
No Results Found.